Isaias 43

Ito ang sinasabi ng Panginoon ninyong Tagapagligtas, ang Banal na Diyos ng Israel, “Para maligtas kayo, ipapasalakay ko ang Babilonia sa mga sundalo ng isang bansa, at tatakas sila sa pamamagitan ng mga barkong kanilang ipinagmamalaki.

Isaiah 43:14 (UKJV) Thus says the LORD, your redeemer, the Holy One of Israel; For your sake I have sent to Babylon, and have brought down all their nobles, and the Chaldeans, whose cry is in the ships.

12Nagpahayag ako na ililigtas ko kayo, at tinupad ko nga ito. Walang ibang Diyos na gumawa nito sa inyo, kayo ang mga saksi ko.” Sinabi pa ng Panginoon, “Ako ang Diyos.

13Mula pa noon ako na ang Diyos. Walang makakatakas sa aking mga kamay. Walang makakapagbago ng mga ginagawa ko.”

14Ito ang sinasabi ng Panginoon ninyong Tagapagligtas, ang Banal na Diyos ng Israel, “Para maligtas kayo, ipapasalakay ko ang Babilonia sa mga sundalo ng isang bansa, at tatakas sila sa pamamagitan ng mga barkong kanilang ipinagmamalaki.

15Ako ang Panginoon, ang inyong Banal na Diyos, ang lumikha sa Israel, ang inyong Hari.

16“Ako ang Panginoon na gumawa ng daan sa dagat, ng landas sa gitna ng mabagsik na alon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.