Isaias 44

Ang ibang piraso ng kahoy ay ginagamit niyang panggatong upang makainit at makaluto ng pagkain. At ang ibang piraso ng kahoy ay ginagawa niyang diyos-diyosan na niluluhuran at sinasamba.

Isaiah 44:15 (UKJV) Then shall it be for a man to burn: for he will take thereof, and warm himself; yea, he kindles it, and bakes bread; yea, he makes a god, and worships it; he makes it a graven image, and falls down thereto.

13Ang karpintero naman ay sumusukat ng kaputol na kahoy. Ginuguhitan niya ito ng anyo ng tao. Pagkatapos, uukit siya ng magandang larawan ng tao sa pamamagitan ng kanyang mga gamit upang ilagay sa isang dambana.

14At para may magamit siyang kahoy, pumuputol siya ng sedro, ensina, o sipres na kanyang itinanim sa kagubatan. Nagtanim din siya ng puno ng pino, at sa kadidilig ng ulan ay tumubo ito.

15Ang ibang piraso ng kahoy ay ginagamit niyang panggatong upang makainit at makaluto ng pagkain. At ang ibang piraso ng kahoy ay ginagawa niyang diyos-diyosan na niluluhuran at sinasamba.

16Ang ibang piraso naman ay ipinanggagatong niya at sa baga nitoʼy nag-iihaw siya ng karne, pagkatapos ay kumakain at nabubusog. Nagpapainit din siya sa apoy at sinasabi niya, “Ang sarap ng init.”

17At ang ibang piraso ay ginagawa niyang rebulto at sa rebultong itoʼy nananalangin siya nang ganito, “Iligtas mo ako, sapagkat ikaw ang aking diyos.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.