Isaias 44

At para may magamit siyang kahoy, pumuputol siya ng sedro, ensina, o sipres na kanyang itinanim sa kagubatan. Nagtanim din siya ng puno ng pino, at sa kadidilig ng ulan ay tumubo ito.

Isaiah 44:14 (UKJV) He hews him down cedars, and takes the cypress and the oak, which he strengthens for himself among the trees of the forest: he plants an ash, and the rain does nourish it.

12Ang panday ay kumukuha ng kapirasong bakal at isinasalang sa baga. Pagkatapos, pupukpukin niya ito ng maso at sa kanyang lakas ay ihuhugis itong rebulto. Nanghihina siya sa gutom at halos mawalan ng malay dahil sa uhaw.

13Ang karpintero naman ay sumusukat ng kaputol na kahoy. Ginuguhitan niya ito ng anyo ng tao. Pagkatapos, uukit siya ng magandang larawan ng tao sa pamamagitan ng kanyang mga gamit upang ilagay sa isang dambana.

14At para may magamit siyang kahoy, pumuputol siya ng sedro, ensina, o sipres na kanyang itinanim sa kagubatan. Nagtanim din siya ng puno ng pino, at sa kadidilig ng ulan ay tumubo ito.

15Ang ibang piraso ng kahoy ay ginagamit niyang panggatong upang makainit at makaluto ng pagkain. At ang ibang piraso ng kahoy ay ginagawa niyang diyos-diyosan na niluluhuran at sinasamba.

16Ang ibang piraso naman ay ipinanggagatong niya at sa baga nitoʼy nag-iihaw siya ng karne, pagkatapos ay kumakain at nabubusog. Nagpapainit din siya sa apoy at sinasabi niya, “Ang sarap ng init.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.