Isaias 44

Ako, ang Panginoon, na lumikha at tumutulong sa iyo. Huwag kang matakot, Jacob, ikaw na aking lingkod at pinili.

Isaiah 44:2 (UKJV) Thus says the LORD that made you, and formed you from the womb, which will help you; Fear not, O Jacob, my servant; and you, Jesurun, whom I have chosen.

1“Ngunit ngayon, makinig ka, O Israel na aking lingkod, ang mga mamamayan na aking pinili, na mga lahi ni Jacob.

2Ako, ang Panginoon, na lumikha at tumutulong sa iyo. Huwag kang matakot, Jacob, ikaw na aking lingkod at pinili.

3Sapagkat binigyan kita ng tubig na pamatid-uhaw at babasa sa iyong lupang tigang. Ibibigay ko ang aking Espiritu sa iyong lahi at pagpapalain ko sila.

4Lalago sila na parang halaman na dinidiligan ng masaganang tubig o mga puno nasa tabi ng ilog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.