Isaias 44

Sapagkat binigyan kita ng tubig na pamatid-uhaw at babasa sa iyong lupang tigang. Ibibigay ko ang aking Espiritu sa iyong lahi at pagpapalain ko sila.

Isaiah 44:3 (UKJV) For I will pour water upon him that is thirsty, and floods upon the dry ground: I will pour my spirit upon your seed, and my blessing upon yours offspring:

1“Ngunit ngayon, makinig ka, O Israel na aking lingkod, ang mga mamamayan na aking pinili, na mga lahi ni Jacob.

2Ako, ang Panginoon, na lumikha at tumutulong sa iyo. Huwag kang matakot, Jacob, ikaw na aking lingkod at pinili.

3Sapagkat binigyan kita ng tubig na pamatid-uhaw at babasa sa iyong lupang tigang. Ibibigay ko ang aking Espiritu sa iyong lahi at pagpapalain ko sila.

4Lalago sila na parang halaman na dinidiligan ng masaganang tubig o mga puno nasa tabi ng ilog.

5May mga magsasabi, ‘Ako ay sa Panginoon.’ At mayroon ding magsasabi, ‘Akoʼy lahi ni Jacob.’ Mayroon ding mga maglalagay ng tatak sa kanilang kamay ng pangalan ng Panginoon, at ituturing ang kanilang sarili na kabilang sa mga mamamayan ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.