Isaias 44

Ngunit tinutupad ko ang propesiya ng aking mga lingkod at mga tagapagsalita. “Sinabi kong ang Jerusalem ay muling titirhan, at ang iba pang bayan ng Juda na nagiba ay muling itatayo.

Isaiah 44:26 (UKJV) That confirms the word of his servant, and performs the counsel of his messengers; that says to Jerusalem, You shall be inhabited; and to the cities of Judah, All of you shall be built, and I will raise up the decayed places thereof:

24“Ito ang sinasabi ng Panginoon na inyong Tagapagligtas na lumikha sa inyo. “Ako ang Panginoong lumikha ng lahat ng bagay. Ako lang mag-isa ang naglatag ng langit at ako lang din ang lumikha ng mundo.

25Binigo ko ang mga hula ng mga bulaang propeta. At ginagawa kong mangmang ang mga nanghuhula. Binabaliktad ko ang sinasabi ng marurunong at ginagawa kong walang kabuluhan ang kanilang nalalaman.

26Ngunit tinutupad ko ang propesiya ng aking mga lingkod at mga tagapagsalita. “Sinabi kong ang Jerusalem ay muling titirhan, at ang iba pang bayan ng Juda na nagiba ay muling itatayo.

27Kapag sinabi kong matutuyo ang ilog, matutuyo nga ito.

28Sinabi ko kay Ciro, ‘Ikaw ang tagapagbantay ng aking mga mamamayan at gagawin mo ang lahat ng nais ko. Mag-uutos ka na muling itayo ang Jerusalem at ang Templo roon.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.