Isaias 44

“Ito ang sinasabi ng Panginoon na inyong Tagapagligtas na lumikha sa inyo. “Ako ang Panginoong lumikha ng lahat ng bagay. Ako lang mag-isa ang naglatag ng langit at ako lang din ang lumikha ng mundo.

Isaiah 44:24 (UKJV) Thus says the LORD, your redeemer, and he that formed you from the womb, I am the LORD that makes all things; that stretches forth the heavens alone; that spreads abroad the earth by myself;

22Hahawiin ko ang iyong mga kasalanan tulad ng ulap at ikakalat ko ang mga ito gaya ng ambon sa umaga. Manumbalik ka sa akin upang mailigtas kita.”

23O kalangitan, umawit ka sa tuwa! O mundo, sumigaw ka nang malakas! Umawit kayo, kayong mga bundok at mga kagubatan. Sapagkat Ililigtas ng Panginoon ang lahi ni Jacob; ipapakita niya ang kanyang kapangyarihan sa Israel.

24“Ito ang sinasabi ng Panginoon na inyong Tagapagligtas na lumikha sa inyo. “Ako ang Panginoong lumikha ng lahat ng bagay. Ako lang mag-isa ang naglatag ng langit at ako lang din ang lumikha ng mundo.

25Binigo ko ang mga hula ng mga bulaang propeta. At ginagawa kong mangmang ang mga nanghuhula. Binabaliktad ko ang sinasabi ng marurunong at ginagawa kong walang kabuluhan ang kanilang nalalaman.

26Ngunit tinutupad ko ang propesiya ng aking mga lingkod at mga tagapagsalita. “Sinabi kong ang Jerusalem ay muling titirhan, at ang iba pang bayan ng Juda na nagiba ay muling itatayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.