Isaias 44

Hahawiin ko ang iyong mga kasalanan tulad ng ulap at ikakalat ko ang mga ito gaya ng ambon sa umaga. Manumbalik ka sa akin upang mailigtas kita.”

Isaiah 44:22 (UKJV) I have blotted out, as a thick cloud, your transgressions, and, as a cloud, your sins: return unto me; for I have redeemed you.

20Ang mga gumagawa nitoʼy parang kumain ng abo. Ang hangal niyang isip ang nagligaw sa kanya, at hindi niya maililigtas ang kanyang sarili. At hindi siya papayag na ang rebultong nasa kanya ay hindi diyos.

21“Israel, dahil sa ikaw ay aking lingkod, isipin mo ito: Ginawa kita para maglingkod sa akin. Hindi kita kalilimutan.

22Hahawiin ko ang iyong mga kasalanan tulad ng ulap at ikakalat ko ang mga ito gaya ng ambon sa umaga. Manumbalik ka sa akin upang mailigtas kita.”

23O kalangitan, umawit ka sa tuwa! O mundo, sumigaw ka nang malakas! Umawit kayo, kayong mga bundok at mga kagubatan. Sapagkat Ililigtas ng Panginoon ang lahi ni Jacob; ipapakita niya ang kanyang kapangyarihan sa Israel.

24“Ito ang sinasabi ng Panginoon na inyong Tagapagligtas na lumikha sa inyo. “Ako ang Panginoong lumikha ng lahat ng bagay. Ako lang mag-isa ang naglatag ng langit at ako lang din ang lumikha ng mundo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.