Isaias 44

Walang kabuluhan ang lahat ng gumagawa ng mga diyos-diyosan. At walang kuwenta rin ang mga bagay na kanilang pinahahalagahan. Ang mga sumasamba dito ay bulag at walang nalalaman. Kaya naman ang sinasapit nila ay kahihiyan.

Isaiah 44:9 (UKJV) They that make a graven image are all of them vanity; and their delectable things shall not profit; and they are their own witnesses; they see not, nor know; that they may be ashamed.

7Sino ang kagaya ko? Sabihin niya sa aking harapan kung ano ang mga nangyari mula nang itayo ko na maging isang bansa ang aking mga mamamayan noong unang panahon. At sabihin din niya kung ano ang mangyayari sa hinaharap.

8Huwag kayong matakot o kabahan man. Hindi baʼt ipinaalam ko na sa inyo noong una pa ang layunin ko sa inyo? Kayo ang aking mga saksi. Mayroon pa bang ibang Diyos maliban sa akin? Wala! Wala na akong alam na iba pang Batong kanlungan maliban sa akin.”

9Walang kabuluhan ang lahat ng gumagawa ng mga diyos-diyosan. At walang kuwenta rin ang mga bagay na kanilang pinahahalagahan. Ang mga sumasamba dito ay bulag at walang nalalaman. Kaya naman ang sinasapit nila ay kahihiyan.

10Hangal ang taong gumagawa ng mga rebultong diyos-diyosan na hindi naman napapakinabangan.

11Tandaan ninyo! Ang lahat ng sumasamba sa mga rebulto ay mapapahiya, dahil ang mga iyan ay gawa lamang ng tao. Magsama-sama man sila at akoʼy harapin, matatakot sila at mapapahiya rin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.