Isaias 44

Sino ang kagaya ko? Sabihin niya sa aking harapan kung ano ang mga nangyari mula nang itayo ko na maging isang bansa ang aking mga mamamayan noong unang panahon. At sabihin din niya kung ano ang mangyayari sa hinaharap.

Isaiah 44:7 (UKJV) And who, as I, shall call, and shall declare it, and set it in order for me, since I appointed the ancient people? and the things that are coming, and shall come, let them show unto them.

5May mga magsasabi, ‘Ako ay sa Panginoon.’ At mayroon ding magsasabi, ‘Akoʼy lahi ni Jacob.’ Mayroon ding mga maglalagay ng tatak sa kanilang kamay ng pangalan ng Panginoon, at ituturing ang kanilang sarili na kabilang sa mga mamamayan ng Israel.

6“Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Hari at Tagapagligtas ng Israel, ang Panginoon ng mga Hukbo: Ako ang simula at wakas ng lahat. Maliban sa akin ay wala nang iba pang Diyos.

7Sino ang kagaya ko? Sabihin niya sa aking harapan kung ano ang mga nangyari mula nang itayo ko na maging isang bansa ang aking mga mamamayan noong unang panahon. At sabihin din niya kung ano ang mangyayari sa hinaharap.

8Huwag kayong matakot o kabahan man. Hindi baʼt ipinaalam ko na sa inyo noong una pa ang layunin ko sa inyo? Kayo ang aking mga saksi. Mayroon pa bang ibang Diyos maliban sa akin? Wala! Wala na akong alam na iba pang Batong kanlungan maliban sa akin.”

9Walang kabuluhan ang lahat ng gumagawa ng mga diyos-diyosan. At walang kuwenta rin ang mga bagay na kanilang pinahahalagahan. Ang mga sumasamba dito ay bulag at walang nalalaman. Kaya naman ang sinasapit nila ay kahihiyan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.