Isaias 45

“Magtipon kayong lahat at lumapit sa akin, kayong mga tumakas mula sa mga bansa. Walang alam ang mga nagdadala ng mga diyos-diyosan nilang kahoy. Nananalangin sila sa mga diyos-diyosang ito, na hindi naman makapagliligtas sa kanila.

Isaiah 45:20 (UKJV) Assemble yourselves and come; draw near together, all of you that are escaped of the nations: they have no knowledge that set up the wood of their graven image, and pray unto a god that cannot save.

18Kayo Panginoon ang Diyos. Kayo ang lumikha ng langit at ng mundo. Hindi nʼyo ginawa ang mundo nang walang nabubuhay. Ginawa nʼyo ito para maging tirahan. Sinabi nʼyo, “Ako ang Panginoon at wala nang iba pa.

19Hindi ako nagsalita nang lihim, nang walang nakakaalam. Hindi ko sinabi sa mga lahi ni Jacob na dumulog sila sa akin, na wala naman silang matatanggap sa akin. Ako ang Panginoon, nagsasalita ako ng katotohanan. Sinasabi ko kung ano ang dapat.”

20“Magtipon kayong lahat at lumapit sa akin, kayong mga tumakas mula sa mga bansa. Walang alam ang mga nagdadala ng mga diyos-diyosan nilang kahoy. Nananalangin sila sa mga diyos-diyosang ito, na hindi naman makapagliligtas sa kanila.

21Isangguni ninyo sa isaʼt isa, at ihayag ang inyong usapin. Sino ang humula noon tungkol sa mga bagay na mangyayari? Hindi baʼt ako, ang Panginoon? Wala nang ibang Diyos, ako lang, ang Diyos na matuwid at Tagapagligtas.

22“Lumapit kayo sa akin para maligtas kayo, kayong lahat sa buong mundo. Sapagkat ako ang Diyos at maliban sa akin ay wala nang iba pa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.