Isaias 45

Kayo Panginoon ang Diyos. Kayo ang lumikha ng langit at ng mundo. Hindi nʼyo ginawa ang mundo nang walang nabubuhay. Ginawa nʼyo ito para maging tirahan. Sinabi nʼyo, “Ako ang Panginoon at wala nang iba pa.

Isaiah 45:18 (UKJV) For thus says the LORD that created the heavens; God himself that formed the earth and made it; he has established it, he created it not in vain, he formed it to be inhabited: I am the LORD; and there is none else.

16Mapapahiya ang lahat ng gumagawa ng mga rebultong diyos-diyosan.

17Ngunit ang Israel ay ililigtas nʼyo, Panginoon, at ang kaligtasan nila ay walang hanggan. Hindi na sila mapapahiya kahit kailan.

18Kayo Panginoon ang Diyos. Kayo ang lumikha ng langit at ng mundo. Hindi nʼyo ginawa ang mundo nang walang nabubuhay. Ginawa nʼyo ito para maging tirahan. Sinabi nʼyo, “Ako ang Panginoon at wala nang iba pa.

19Hindi ako nagsalita nang lihim, nang walang nakakaalam. Hindi ko sinabi sa mga lahi ni Jacob na dumulog sila sa akin, na wala naman silang matatanggap sa akin. Ako ang Panginoon, nagsasalita ako ng katotohanan. Sinasabi ko kung ano ang dapat.”

20“Magtipon kayong lahat at lumapit sa akin, kayong mga tumakas mula sa mga bansa. Walang alam ang mga nagdadala ng mga diyos-diyosan nilang kahoy. Nananalangin sila sa mga diyos-diyosang ito, na hindi naman makapagliligtas sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.