Isaias 45

Ako ang Panginoon, at wala nang iba pa; maliban sa akin ay wala nang ibang Diyos. Palalakasin kita kahit na hindi mo pa ako nakikilala

Isaiah 45:5 (UKJV) I am the LORD, and there is none else, there is no God beside me: I girded you, though you have not known me:

3Ibibigay ko sa iyo ang mga nakatagong kayamanan, upang malaman mong ako ang Panginoon, ang Diyos ng Israel na tumawag sa iyo.

4Tinawag kita para tulungan mo ang Israel na aking lingkod at pinili. Pinarangalan kita kahit na hindi mo pa ako nakikilala.

5Ako ang Panginoon, at wala nang iba pa; maliban sa akin ay wala nang ibang Diyos. Palalakasin kita kahit na hindi mo pa ako nakikilala

6upang malaman ng lahat sa buong mundo na walang ibang Diyos maliban sa akin. Ako ang Panginoon at wala nang iba pa.

7Ako ang lumikha ng liwanag at ng dilim. Ako ang nagpapadala ng kabutihan at ng kapahamakan. Ako ang Panginoon na gumawa ng lahat ng ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.