Isaias 45

Tinawag kita para tulungan mo ang Israel na aking lingkod at pinili. Pinarangalan kita kahit na hindi mo pa ako nakikilala.

Isaiah 45:4 (UKJV) For Jacob my servant's sake, and Israel mine elect, I have even called you by your name: I have surnamed you, though you have not known me.

2Ako ang maghahanda ng iyong dadaanan, at papatagin ko ang mga bundok. Gigibain ko ang mga pintuang tanso at ang mga tarangkahang bakal nito.

3Ibibigay ko sa iyo ang mga nakatagong kayamanan, upang malaman mong ako ang Panginoon, ang Diyos ng Israel na tumawag sa iyo.

4Tinawag kita para tulungan mo ang Israel na aking lingkod at pinili. Pinarangalan kita kahit na hindi mo pa ako nakikilala.

5Ako ang Panginoon, at wala nang iba pa; maliban sa akin ay wala nang ibang Diyos. Palalakasin kita kahit na hindi mo pa ako nakikilala

6upang malaman ng lahat sa buong mundo na walang ibang Diyos maliban sa akin. Ako ang Panginoon at wala nang iba pa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.