Isaias 47

Sinabi ng Panginoon, “Babilonia, mauupo ka sa lupa. Mauupo ka nang walang trono. Ikaw na parang birheng pihikan at mahinhin noon ngunit hindi na ngayon.

Isaiah 47:1 (UKJV) Come down, and sit in the dust, O virgin daughter of Babylon, sit on the ground: there is no throne, O daughter of the Chaldeans: for you shall no more be called tender and delicate.

1Sinabi ng Panginoon, “Babilonia, mauupo ka sa lupa. Mauupo ka nang walang trono. Ikaw na parang birheng pihikan at mahinhin noon ngunit hindi na ngayon.

2Isa ka nang alipin ngayon, kaya kumuha ka ng batong gilingan at maggiling ka na ng trigo. Alisin mo na ang belo mo, at itaas ang damit mo para makita ang iyong hita habang tumatawid ka sa ilog.

3Lalabas ang iyong kahubaran at mapapahiya ka. Maghihiganti ako sa iyo at hindi kita kaaawaan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.