Isaias 47

Sinasabi mong ang iyong pagiging reyna ay walang katapusan. Ngunit hindi mo inisip ang iyong mga ginawa at kung ano ang maidudulot nito sa iyo sa huli.

Isaiah 47:7 (UKJV) And you said, I shall be a lady for ever: so that you did not lay these things to your heart, neither did remember the latter end of it.

5“Babilonia, maupo ka nang tahimik doon sa kadiliman. Hindi ka na tatawaging reyna ng mga kaharian.

6Nagalit ako sa aking mga mamamayan at itinakwil ko sila. Kaya ibinigay ko sila sa iyong mga kamay, at hindi mo sila kinaawaan. Pati ang matatanda ay iyong pinagmalupitan ng mabigat na pamatok.

7Sinasabi mong ang iyong pagiging reyna ay walang katapusan. Ngunit hindi mo inisip ang iyong mga ginawa at kung ano ang maidudulot nito sa iyo sa huli.

8“Kaya makinig ka, ikaw na mahilig sa kalayawan at panatag ang kalooban. Sinasabi mo sa iyong sarili, ‘Nag-iisa lang ako. Walang akong katulad. Kailanmaʼy hindi ako mababalo o mawawalan ng mga anak.’

9Ngunit bigla itong mangyayari sa iyo sa isang iglap, sa isang araw: Mababalo ka at mawawalan ng mga anak. Talagang mangyayari ito sa iyo kahit na marami ka pang alam na mahika o panggagaway.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.