Isaias 48

Kung kayo lamang ay sumunod sa aking mga utos, dumaloy sana na parang ilog ang kapayapaan sa inyo, at magsunod-sunod ang inyong tagumpay na parang alon na dumarating sa dalampasigan.

Isaiah 48:18 (UKJV) O that you had hearkened to my commandments! then had your peace been as a river, and your righteousness as the waves of the sea:

16“Lumapit kayo sa akin at pakinggan ito: Mula pa ng pasimula hindi ako nagsalita nang lihim. Sa panahon na mangyari ang sinabi ko, naroon ako.” At ngayon sinugo ako ng Makapangyarihang Panginoon at ng kanyang Espiritu dala ang mensaheng ito.

17Sinasabi ng Panginoon na inyong Tagapagligtas, ang Banal na Diyos ng Israel: “Ako ang Panginoon na inyong Diyos na nagturo sa inyo kung ano ang mabuti para sa inyo at ako ang pumatnubay sa inyo sa tamang daan.

18Kung kayo lamang ay sumunod sa aking mga utos, dumaloy sana na parang ilog ang kapayapaan sa inyo, at magsunod-sunod ang inyong tagumpay na parang alon na dumarating sa dalampasigan.

19Ang inyo sanang mga lahi ay naging kasindami ng buhangin na hindi mabilang, at tinitiyak kong hindi sila mapapahamak.”

20Lisanin ninyo ang Babilonia! Malaya na kayo sa inyong pagkakabihag. Buong galak ninyong ihayag sa buong mundo na iniligtas ng Panginoon ang kanyang lingkod, ang mga mamamayan ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.