Isaias 48

“Lumapit kayo sa akin at pakinggan ito: Mula pa ng pasimula hindi ako nagsalita nang lihim. Sa panahon na mangyari ang sinabi ko, naroon ako.” At ngayon sinugo ako ng Makapangyarihang Panginoon at ng kanyang Espiritu dala ang mensaheng ito.

Isaiah 48:16 (UKJV) Come all of you near unto me, hear all of you this; I have not spoken in secret from the beginning; from the time that it was, there am I: and now the Lord GOD, and his Spirit, has sent me.

14“Magtipon kayong lahat at makinig: Sino sa mga diyos-diyosan ang humulang lulusubin ng kaibigan ng Panginoon ang Babilonia para sundin ang ipinapagawa niya laban sa bansang iyon? Wala!

15Ako mismo ang nagsabi sa kanya at ako rin ang tumawag sa kanya. Dadalhin ko siya rito at siyaʼy magtatagumpay sa kanyang gagawin.

16“Lumapit kayo sa akin at pakinggan ito: Mula pa ng pasimula hindi ako nagsalita nang lihim. Sa panahon na mangyari ang sinabi ko, naroon ako.” At ngayon sinugo ako ng Makapangyarihang Panginoon at ng kanyang Espiritu dala ang mensaheng ito.

17Sinasabi ng Panginoon na inyong Tagapagligtas, ang Banal na Diyos ng Israel: “Ako ang Panginoon na inyong Diyos na nagturo sa inyo kung ano ang mabuti para sa inyo at ako ang pumatnubay sa inyo sa tamang daan.

18Kung kayo lamang ay sumunod sa aking mga utos, dumaloy sana na parang ilog ang kapayapaan sa inyo, at magsunod-sunod ang inyong tagumpay na parang alon na dumarating sa dalampasigan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.