Isaias 48

“Magtipon kayong lahat at makinig: Sino sa mga diyos-diyosan ang humulang lulusubin ng kaibigan ng Panginoon ang Babilonia para sundin ang ipinapagawa niya laban sa bansang iyon? Wala!

Isaiah 48:14 (UKJV) All you, assemble yourselves, and hear; which among them has declared these things? The LORD has loved him: he will do his pleasure on Babylon, and his arm shall be on the Chaldeans.

12“Makinig kayo sa akin, kayong mga taga-Israel na aking pinili. Ako ang Diyos; ako ang pasimula at ang wakas ng lahat.

13Ang aking mga kamay ang naglagay ng pundasyon ng mundo at ako rin ang naglatag ng langit. Kapag nag-utos ako sa mga ito, silaʼy sumusunod.

14“Magtipon kayong lahat at makinig: Sino sa mga diyos-diyosan ang humulang lulusubin ng kaibigan ng Panginoon ang Babilonia para sundin ang ipinapagawa niya laban sa bansang iyon? Wala!

15Ako mismo ang nagsabi sa kanya at ako rin ang tumawag sa kanya. Dadalhin ko siya rito at siyaʼy magtatagumpay sa kanyang gagawin.

16“Lumapit kayo sa akin at pakinggan ito: Mula pa ng pasimula hindi ako nagsalita nang lihim. Sa panahon na mangyari ang sinabi ko, naroon ako.” At ngayon sinugo ako ng Makapangyarihang Panginoon at ng kanyang Espiritu dala ang mensaheng ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.