Isaias 48

“Makinig kayo sa akin, kayong mga taga-Israel na aking pinili. Ako ang Diyos; ako ang pasimula at ang wakas ng lahat.

Isaiah 48:12 (UKJV) Hearken unto me, O Jacob and Israel, my called; I am he; I am the first, I also am the last.

10Lilinisin ko kayo ngunit hindi katulad ng paglilinis sa pilak, dahil lilinisin ko kayo sa pamamagitan ng paghihirap.

11Gagawin ko ito para sa aking karangalan. Hindi ako papayag na ako ay mapahiya at ang mga diyos-diyosan ay maparangalan.

12“Makinig kayo sa akin, kayong mga taga-Israel na aking pinili. Ako ang Diyos; ako ang pasimula at ang wakas ng lahat.

13Ang aking mga kamay ang naglagay ng pundasyon ng mundo at ako rin ang naglatag ng langit. Kapag nag-utos ako sa mga ito, silaʼy sumusunod.

14“Magtipon kayong lahat at makinig: Sino sa mga diyos-diyosan ang humulang lulusubin ng kaibigan ng Panginoon ang Babilonia para sundin ang ipinapagawa niya laban sa bansang iyon? Wala!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.