Isaias 48

Gagawin ko ito para sa aking karangalan. Hindi ako papayag na ako ay mapahiya at ang mga diyos-diyosan ay maparangalan.

Isaiah 48:11 (UKJV) For mine own sake, even for mine own sake, will I do it: for how should my name be polluted? and I will not give my glory unto another.

9Alang-alang sa karangalan ko, pinigilan ko ang aking galit sa inyo alang-alang sa kapurihan ko, hindi ko muna ito itinuloy upang hindi kayo malipol.

10Lilinisin ko kayo ngunit hindi katulad ng paglilinis sa pilak, dahil lilinisin ko kayo sa pamamagitan ng paghihirap.

11Gagawin ko ito para sa aking karangalan. Hindi ako papayag na ako ay mapahiya at ang mga diyos-diyosan ay maparangalan.

12“Makinig kayo sa akin, kayong mga taga-Israel na aking pinili. Ako ang Diyos; ako ang pasimula at ang wakas ng lahat.

13Ang aking mga kamay ang naglagay ng pundasyon ng mundo at ako rin ang naglatag ng langit. Kapag nag-utos ako sa mga ito, silaʼy sumusunod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.