Isaias 48

Alang-alang sa karangalan ko, pinigilan ko ang aking galit sa inyo alang-alang sa kapurihan ko, hindi ko muna ito itinuloy upang hindi kayo malipol.

Isaiah 48:9 (UKJV) For my name's sake will I defer mine anger, and for my praise will I refrain for you, that I cut you not off.

7Ngayon ko pa lamang ito gagawin upang hindi ninyo masabing itoʼy alam na ninyo.

8Hindi ninyo napakinggan o naunawaan ang mga bagay na ito dahil mula pa noon nagbibingi-bingihan na kayo. Alam ko ang inyong kataksilan dahil mula pa noong kayoʼy isinilang mga rebelde na kayo.

9Alang-alang sa karangalan ko, pinigilan ko ang aking galit sa inyo alang-alang sa kapurihan ko, hindi ko muna ito itinuloy upang hindi kayo malipol.

10Lilinisin ko kayo ngunit hindi katulad ng paglilinis sa pilak, dahil lilinisin ko kayo sa pamamagitan ng paghihirap.

11Gagawin ko ito para sa aking karangalan. Hindi ako papayag na ako ay mapahiya at ang mga diyos-diyosan ay maparangalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.