Isaias 48

Lilinisin ko kayo ngunit hindi katulad ng paglilinis sa pilak, dahil lilinisin ko kayo sa pamamagitan ng paghihirap.

Isaiah 48:10 (UKJV) Behold, I have refined you, but not with silver; I have chosen you in the furnace of affliction.

8Hindi ninyo napakinggan o naunawaan ang mga bagay na ito dahil mula pa noon nagbibingi-bingihan na kayo. Alam ko ang inyong kataksilan dahil mula pa noong kayoʼy isinilang mga rebelde na kayo.

9Alang-alang sa karangalan ko, pinigilan ko ang aking galit sa inyo alang-alang sa kapurihan ko, hindi ko muna ito itinuloy upang hindi kayo malipol.

10Lilinisin ko kayo ngunit hindi katulad ng paglilinis sa pilak, dahil lilinisin ko kayo sa pamamagitan ng paghihirap.

11Gagawin ko ito para sa aking karangalan. Hindi ako papayag na ako ay mapahiya at ang mga diyos-diyosan ay maparangalan.

12“Makinig kayo sa akin, kayong mga taga-Israel na aking pinili. Ako ang Diyos; ako ang pasimula at ang wakas ng lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.