Isaias 48

Ang aking mga kamay ang naglagay ng pundasyon ng mundo at ako rin ang naglatag ng langit. Kapag nag-utos ako sa mga ito, silaʼy sumusunod.

Isaiah 48:13 (UKJV) Mine hand also has laid the foundation of the earth, and my right hand has spanned the heavens: when I call unto them, they stand up together.

11Gagawin ko ito para sa aking karangalan. Hindi ako papayag na ako ay mapahiya at ang mga diyos-diyosan ay maparangalan.

12“Makinig kayo sa akin, kayong mga taga-Israel na aking pinili. Ako ang Diyos; ako ang pasimula at ang wakas ng lahat.

13Ang aking mga kamay ang naglagay ng pundasyon ng mundo at ako rin ang naglatag ng langit. Kapag nag-utos ako sa mga ito, silaʼy sumusunod.

14“Magtipon kayong lahat at makinig: Sino sa mga diyos-diyosan ang humulang lulusubin ng kaibigan ng Panginoon ang Babilonia para sundin ang ipinapagawa niya laban sa bansang iyon? Wala!

15Ako mismo ang nagsabi sa kanya at ako rin ang tumawag sa kanya. Dadalhin ko siya rito at siyaʼy magtatagumpay sa kanyang gagawin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.