Isaias 48

Sapagkat alam ko kung gaano katigas ang inyong ulo. Ang inyong leeg ay kasintigas ng bakal at ang inyong noo ay kasintigas ng tanso.

Isaiah 48:4 (UKJV) Because I knew that you are obstinate, and your neck is an iron sinew, and your brow brass;

2Sinasabi pa ninyong kayoʼy mga mamamayan ng banal na lungsod, at nagtitiwala kayo sa Diyos ng Israel, na ang pangalan ay Panginoon ng mga Hukbo.

3Sinabi ko na noon pa kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. At itoʼy aking isinakatuparan.

4Sapagkat alam ko kung gaano katigas ang inyong ulo. Ang inyong leeg ay kasintigas ng bakal at ang inyong noo ay kasintigas ng tanso.

5Kaya sinabi ko na agad sa inyo ang aking gagawin. Noong hindi pa ito nangyayari, sinabi ko na ito sa inyo upang hindi ninyo masabing ang inyong mga diyos-diyosan, mga imaheng gawa sa kahoy at bakal ang siyang nag-utos nito.

6Narinig ninyo ang aking mga propesiya at nakita ninyo ang katuparan ng mga ito, ngunit ayaw ninyong tanggapin na ako ang gumawa nito. “Mula ngayon, sasabihin ko sa inyo ang mga bagong bagay na hindi ko pa ipinahayag sa inyo. Hindi pa ninyo ito alam.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.