Isaias 48

Kaya sinabi ko na agad sa inyo ang aking gagawin. Noong hindi pa ito nangyayari, sinabi ko na ito sa inyo upang hindi ninyo masabing ang inyong mga diyos-diyosan, mga imaheng gawa sa kahoy at bakal ang siyang nag-utos nito.

Isaiah 48:5 (UKJV) I have even from the beginning declared it to you; before it came to pass I showed it you: lest you should say, Mine idol has done them, and my graven image, and my molten image, has commanded them.

3Sinabi ko na noon pa kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. At itoʼy aking isinakatuparan.

4Sapagkat alam ko kung gaano katigas ang inyong ulo. Ang inyong leeg ay kasintigas ng bakal at ang inyong noo ay kasintigas ng tanso.

5Kaya sinabi ko na agad sa inyo ang aking gagawin. Noong hindi pa ito nangyayari, sinabi ko na ito sa inyo upang hindi ninyo masabing ang inyong mga diyos-diyosan, mga imaheng gawa sa kahoy at bakal ang siyang nag-utos nito.

6Narinig ninyo ang aking mga propesiya at nakita ninyo ang katuparan ng mga ito, ngunit ayaw ninyong tanggapin na ako ang gumawa nito. “Mula ngayon, sasabihin ko sa inyo ang mga bagong bagay na hindi ko pa ipinahayag sa inyo. Hindi pa ninyo ito alam.

7Ngayon ko pa lamang ito gagawin upang hindi ninyo masabing itoʼy alam na ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.