Isaias 48

Narinig ninyo ang aking mga propesiya at nakita ninyo ang katuparan ng mga ito, ngunit ayaw ninyong tanggapin na ako ang gumawa nito. “Mula ngayon, sasabihin ko sa inyo ang mga bagong bagay na hindi ko pa ipinahayag sa inyo. Hindi pa ninyo ito alam.

Isaiah 48:6 (UKJV) You have heard, see all this; and will not all of you declare it? I have showed you new things from this time, even hidden things, and you did not know them.

4Sapagkat alam ko kung gaano katigas ang inyong ulo. Ang inyong leeg ay kasintigas ng bakal at ang inyong noo ay kasintigas ng tanso.

5Kaya sinabi ko na agad sa inyo ang aking gagawin. Noong hindi pa ito nangyayari, sinabi ko na ito sa inyo upang hindi ninyo masabing ang inyong mga diyos-diyosan, mga imaheng gawa sa kahoy at bakal ang siyang nag-utos nito.

6Narinig ninyo ang aking mga propesiya at nakita ninyo ang katuparan ng mga ito, ngunit ayaw ninyong tanggapin na ako ang gumawa nito. “Mula ngayon, sasabihin ko sa inyo ang mga bagong bagay na hindi ko pa ipinahayag sa inyo. Hindi pa ninyo ito alam.

7Ngayon ko pa lamang ito gagawin upang hindi ninyo masabing itoʼy alam na ninyo.

8Hindi ninyo napakinggan o naunawaan ang mga bagay na ito dahil mula pa noon nagbibingi-bingihan na kayo. Alam ko ang inyong kataksilan dahil mula pa noong kayoʼy isinilang mga rebelde na kayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.