Isaias 49

Sasabihin mo sa mga Israelitang binihag, ‘Lumabas kayo!’ at sa mga piniit sa kadiliman, ‘Malaya na kayo!’ “Matutulad sila sa mga tupang nanginginain sa tabi ng mga daan at mga burol.

Isaiah 49:9 (UKJV) That you may say to the prisoners, Go forth; to them that are in darkness, Show yourselves. They shall feed in the ways, and their pastures shall be in all high places.

7Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Tagapagligtas at Banal na Diyos ng Israel, sa taong hinahamak at kinasusuklaman ng mga bansa at sa lingkod ng mga pinuno: “Makikita ng mga hari kung sino kang talaga at tatayo sila para magbigay-galang sa iyo. Ang mga pinuno ay yuyuko sa iyo dahil tapat ang Panginoon, ang Banal na Diyos ng Israel na pumili sa iyo.”

8Ito ang sinabi ng Panginoon, “Sa tamang panahon ay tutugunin kita, sa araw ng pagliligtas ay tutulungan kita. Iingatan kita, at sa pamamagitan mo gagawa ako ng kasunduan sa mga tao. Muli mong itatayo ang lupain ng Israel na nawasak, at muli mo itong ibibigay sa aking mga mamamayan.

9Sasabihin mo sa mga Israelitang binihag, ‘Lumabas kayo!’ at sa mga piniit sa kadiliman, ‘Malaya na kayo!’ “Matutulad sila sa mga tupang nanginginain sa tabi ng mga daan at mga burol.

10Hindi sila magugutom o mauuhaw. Hindi sila maiinitan ng matinding init ng araw o ng mainit na hangin sa ilang. Sapagkat akong nagmamalasakit sa kanila ay magpapatnubay sa kanila sa mga bukal.

11Gagawin kong daanan ang aking mga bundok na kanilang dadaanan. Ang mga lugar na matataas ay magiging pangunahing daan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.