Isaias 49

Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Tagapagligtas at Banal na Diyos ng Israel, sa taong hinahamak at kinasusuklaman ng mga bansa at sa lingkod ng mga pinuno: “Makikita ng mga hari kung sino kang talaga at tatayo sila para magbigay-galang sa iyo. Ang mga pinuno ay yuyuko sa iyo dahil tapat ang Panginoon, ang Banal na Diyos ng Israel na pumili sa iyo.”

Isaiah 49:7 (UKJV) Thus says the LORD, the Redeemer of Israel, and his Holy One, to him whom man despises, to him whom the nation detests, to a servant of rulers, Kings shall see and arise, princes also shall worship, because of the LORD that is faithful, and the Holy One of Israel, and he shall choose you.

5Ang Panginoon ang nagsasabi, siya na lumikha sa akin sa sinapupunan ng aking ina, ang pumili sa akin na maging lingkod niya, para pabalikin sa kanya at tipunin ang mga Israelita. Pinarangalan ako ng Panginoon na aking Diyos at binigyan niya ako ng lakas.

6Sinabi niya, “Ikaw na lingkod ko, marami pang mga gawain ang ipapagawa ko sa iyo, maliban sa pagpapabalik sa mga tribo ng Israel na aking kinakalinga. Gagawin pa kitang ilaw ng mga bansa upang maligtas ang buong mundo.”

7Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Tagapagligtas at Banal na Diyos ng Israel, sa taong hinahamak at kinasusuklaman ng mga bansa at sa lingkod ng mga pinuno: “Makikita ng mga hari kung sino kang talaga at tatayo sila para magbigay-galang sa iyo. Ang mga pinuno ay yuyuko sa iyo dahil tapat ang Panginoon, ang Banal na Diyos ng Israel na pumili sa iyo.”

8Ito ang sinabi ng Panginoon, “Sa tamang panahon ay tutugunin kita, sa araw ng pagliligtas ay tutulungan kita. Iingatan kita, at sa pamamagitan mo gagawa ako ng kasunduan sa mga tao. Muli mong itatayo ang lupain ng Israel na nawasak, at muli mo itong ibibigay sa aking mga mamamayan.

9Sasabihin mo sa mga Israelitang binihag, ‘Lumabas kayo!’ at sa mga piniit sa kadiliman, ‘Malaya na kayo!’ “Matutulad sila sa mga tupang nanginginain sa tabi ng mga daan at mga burol.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.