Isaias 49

Ang Panginoon ang nagsasabi, siya na lumikha sa akin sa sinapupunan ng aking ina, ang pumili sa akin na maging lingkod niya, para pabalikin sa kanya at tipunin ang mga Israelita. Pinarangalan ako ng Panginoon na aking Diyos at binigyan niya ako ng lakas.

Isaiah 49:5 (UKJV) And now, says the LORD that formed me from the womb to be his servant, to bring Jacob again to him, Though Israel be not gathered, yet shall I be glorious in the eyes of the LORD, and my God shall be my strength.

3Sinabi niya sa akin, “Israel, ikaw ay lingkod ko. Sa pamamagitan mo, pararangalan ako ng mga tao.”

4Ngunit sinabi ko, “Ang paghihirap koʼy nauwi sa wala; nasayang ang lakas ko at walang kinahinatnan. Ngunit ipinaubaya ko ito sa Panginoon na aking Diyos. Siya ang magbibigay ng gantimpala sa aking mga gawa.”

5Ang Panginoon ang nagsasabi, siya na lumikha sa akin sa sinapupunan ng aking ina, ang pumili sa akin na maging lingkod niya, para pabalikin sa kanya at tipunin ang mga Israelita. Pinarangalan ako ng Panginoon na aking Diyos at binigyan niya ako ng lakas.

6Sinabi niya, “Ikaw na lingkod ko, marami pang mga gawain ang ipapagawa ko sa iyo, maliban sa pagpapabalik sa mga tribo ng Israel na aking kinakalinga. Gagawin pa kitang ilaw ng mga bansa upang maligtas ang buong mundo.”

7Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Tagapagligtas at Banal na Diyos ng Israel, sa taong hinahamak at kinasusuklaman ng mga bansa at sa lingkod ng mga pinuno: “Makikita ng mga hari kung sino kang talaga at tatayo sila para magbigay-galang sa iyo. Ang mga pinuno ay yuyuko sa iyo dahil tapat ang Panginoon, ang Banal na Diyos ng Israel na pumili sa iyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.