Isaias 49

Sinabi niya, “Ikaw na lingkod ko, marami pang mga gawain ang ipapagawa ko sa iyo, maliban sa pagpapabalik sa mga tribo ng Israel na aking kinakalinga. Gagawin pa kitang ilaw ng mga bansa upang maligtas ang buong mundo.”

Isaiah 49:6 (UKJV) And he said, It is a light thing that you should be my servant to raise up the tribes of Jacob, and to restore the preserved of Israel: I will also give you for a light to the Gentiles, that you may be my salvation unto the end of the earth.

4Ngunit sinabi ko, “Ang paghihirap koʼy nauwi sa wala; nasayang ang lakas ko at walang kinahinatnan. Ngunit ipinaubaya ko ito sa Panginoon na aking Diyos. Siya ang magbibigay ng gantimpala sa aking mga gawa.”

5Ang Panginoon ang nagsasabi, siya na lumikha sa akin sa sinapupunan ng aking ina, ang pumili sa akin na maging lingkod niya, para pabalikin sa kanya at tipunin ang mga Israelita. Pinarangalan ako ng Panginoon na aking Diyos at binigyan niya ako ng lakas.

6Sinabi niya, “Ikaw na lingkod ko, marami pang mga gawain ang ipapagawa ko sa iyo, maliban sa pagpapabalik sa mga tribo ng Israel na aking kinakalinga. Gagawin pa kitang ilaw ng mga bansa upang maligtas ang buong mundo.”

7Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Tagapagligtas at Banal na Diyos ng Israel, sa taong hinahamak at kinasusuklaman ng mga bansa at sa lingkod ng mga pinuno: “Makikita ng mga hari kung sino kang talaga at tatayo sila para magbigay-galang sa iyo. Ang mga pinuno ay yuyuko sa iyo dahil tapat ang Panginoon, ang Banal na Diyos ng Israel na pumili sa iyo.”

8Ito ang sinabi ng Panginoon, “Sa tamang panahon ay tutugunin kita, sa araw ng pagliligtas ay tutulungan kita. Iingatan kita, at sa pamamagitan mo gagawa ako ng kasunduan sa mga tao. Muli mong itatayo ang lupain ng Israel na nawasak, at muli mo itong ibibigay sa aking mga mamamayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.