Isaias 5

Inararo niya ito, inalisan ng mga bato, at tinamnan ng mga piling ubas. Nagtayo rin siya ng bantayang tore, at nagpagawa ng pigaan ng ubas. Pagkatapos, hinintay niya ang ani ng matatamis na ubas, subalit ang mga lumago naman ay pawang maaasim.

Isaiah 5:2 (UKJV) And he fenced it, and gathered out the stones thereof, and planted it with the best vine, and built a tower in the midst of it, and also made a winepress therein: and he looked that it should bring forth grapes, and it brought forth wild grapes.

1Aawit ako para sa aking minamahal tungkol sa kanyang ubasan: May ubasan ang aking minamahal sa burol na mataba ang lupa.

2Inararo niya ito, inalisan ng mga bato, at tinamnan ng mga piling ubas. Nagtayo rin siya ng bantayang tore, at nagpagawa ng pigaan ng ubas. Pagkatapos, hinintay niya ang ani ng matatamis na ubas, subalit ang mga lumago naman ay pawang maaasim.

3Kaya sinabi niya: “Kayong mga nakatira sa Jerusalem at Juda, kayo ang humatol sa pagitan namin ng aking ubasan.

4Mayroon pa ba akong dapat gawin para sa aking ubasan na hindi ko pa nagagawa? Matamis na bunga ang aking inaasahan, ngunit nang pitasin ay maasim naman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.