Isaias 5

Mayroon pa ba akong dapat gawin para sa aking ubasan na hindi ko pa nagagawa? Matamis na bunga ang aking inaasahan, ngunit nang pitasin ay maasim naman.

Isaiah 5:4 (UKJV) What could have been done more to my vineyard, that I have not done in it? wherefore, when I looked that it should bring forth grapes, brought it forth wild grapes?

2Inararo niya ito, inalisan ng mga bato, at tinamnan ng mga piling ubas. Nagtayo rin siya ng bantayang tore, at nagpagawa ng pigaan ng ubas. Pagkatapos, hinintay niya ang ani ng matatamis na ubas, subalit ang mga lumago naman ay pawang maaasim.

3Kaya sinabi niya: “Kayong mga nakatira sa Jerusalem at Juda, kayo ang humatol sa pagitan namin ng aking ubasan.

4Mayroon pa ba akong dapat gawin para sa aking ubasan na hindi ko pa nagagawa? Matamis na bunga ang aking inaasahan, ngunit nang pitasin ay maasim naman.

5Sasabihin ko sa inyo ang gagawin ko sa ubasan ko. Aalisin ko ang halamang bumabakod dito, at itoʼy masisira; wawasakin ko ang pader nito, at itoʼy tatapak-tapakan.

6Pababayaan ko na lang ito at hindi na aalagaan. Hindi ko na rin ito puputulan ng mga sanga o bubungkalin. Hahayaan ko na lang ito na matabunan ng mga damo at matitinik na halaman. At ang mga ulap ay aking uutusan na huwag itong patakan ng ulan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.