Isaias 5

Kaya matutulad kayo sa dayami o tuyong damo na masusunog ng apoy. Matutulad din kayo sa tanim na ang mga ugat ay nabulok o sa bulaklak na tinangay ng hangin na parang alikabok, dahil itinakwil ninyo ang kautusan ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Banal na Diyos ng Israel.

Isaiah 5:24 (UKJV) Therefore as the fire devours the stubble, and the flame consumes the chaff, so their root shall be as rottenness, and their blossom shall go up as dust: because they have cast away the law of the LORD of hosts, and despised the word of the Holy One of Israel.

22Kahabag-habag kayo, kayong malalakas uminom ng alak at bihasa sa pagtitimpla nito.

23Pinakakawalan ninyo ang may mga kasalanan dahil sa suhol, ngunit hindi ninyo binibigyan ng katarungan ang mga walang kasalanan.

24Kaya matutulad kayo sa dayami o tuyong damo na masusunog ng apoy. Matutulad din kayo sa tanim na ang mga ugat ay nabulok o sa bulaklak na tinangay ng hangin na parang alikabok, dahil itinakwil ninyo ang kautusan ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Banal na Diyos ng Israel.

25Kaya naglagablab ang poot ng Panginoon sa inyo na kanyang mga mamamayan, iniamba niya ang kanyang kamay at kayoʼy kanyang pinarusahan. Nayanig ang mga bundok at nakakalat sa mga lansangan ang inyong mga bangkay na parang mga basura. Ngunit hindi pa rin humupa ang kanyang poot. Ang kanyang kamay ay nananatiling nakaamba.

26Sesenyasan niya ang mga bansa sa malayo; sisipulan niya ang mga nakatira sa pinakamalayong bahagi ng mundo, at agad silang darating para salakayin kayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.