Isaias 5

Kaya naglagablab ang poot ng Panginoon sa inyo na kanyang mga mamamayan, iniamba niya ang kanyang kamay at kayoʼy kanyang pinarusahan. Nayanig ang mga bundok at nakakalat sa mga lansangan ang inyong mga bangkay na parang mga basura. Ngunit hindi pa rin humupa ang kanyang poot. Ang kanyang kamay ay nananatiling nakaamba.

Isaiah 5:25 (UKJV) Therefore is the anger of the LORD kindled against his people, and he has stretched forth his hand against them, and has smitten them: and the hills did tremble, and their carcasses were torn in the midst of the streets. For all this his anger is not turned away, but his hand is stretched out still.

23Pinakakawalan ninyo ang may mga kasalanan dahil sa suhol, ngunit hindi ninyo binibigyan ng katarungan ang mga walang kasalanan.

24Kaya matutulad kayo sa dayami o tuyong damo na masusunog ng apoy. Matutulad din kayo sa tanim na ang mga ugat ay nabulok o sa bulaklak na tinangay ng hangin na parang alikabok, dahil itinakwil ninyo ang kautusan ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Banal na Diyos ng Israel.

25Kaya naglagablab ang poot ng Panginoon sa inyo na kanyang mga mamamayan, iniamba niya ang kanyang kamay at kayoʼy kanyang pinarusahan. Nayanig ang mga bundok at nakakalat sa mga lansangan ang inyong mga bangkay na parang mga basura. Ngunit hindi pa rin humupa ang kanyang poot. Ang kanyang kamay ay nananatiling nakaamba.

26Sesenyasan niya ang mga bansa sa malayo; sisipulan niya ang mga nakatira sa pinakamalayong bahagi ng mundo, at agad silang darating para salakayin kayo.

27Ni isa man sa kanila ay hindi mapapagod o madadapa, at wala ring aantukin o matutulog. Walang sinturong luluwag sa kanilang baywang, walang tali ng sandalyas na malalagot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.