Isaias 5

Ni isa man sa kanila ay hindi mapapagod o madadapa, at wala ring aantukin o matutulog. Walang sinturong luluwag sa kanilang baywang, walang tali ng sandalyas na malalagot.

Isaiah 5:27 (UKJV) None shall be weary nor stumble among them; none shall slumber nor sleep; neither shall the girdle of their loins be loosed, nor the latchet of their shoes be broken:

25Kaya naglagablab ang poot ng Panginoon sa inyo na kanyang mga mamamayan, iniamba niya ang kanyang kamay at kayoʼy kanyang pinarusahan. Nayanig ang mga bundok at nakakalat sa mga lansangan ang inyong mga bangkay na parang mga basura. Ngunit hindi pa rin humupa ang kanyang poot. Ang kanyang kamay ay nananatiling nakaamba.

26Sesenyasan niya ang mga bansa sa malayo; sisipulan niya ang mga nakatira sa pinakamalayong bahagi ng mundo, at agad silang darating para salakayin kayo.

27Ni isa man sa kanila ay hindi mapapagod o madadapa, at wala ring aantukin o matutulog. Walang sinturong luluwag sa kanilang baywang, walang tali ng sandalyas na malalagot.

28Ang kanilang mga palasoʼy matutulis, at ang kanilang panaʼy nakakabit at nakaamba. Ang mga paa ng kanilang kabayo ay tulad ng matitigas na bato, at ang gulong ng kanilang mga karwaheʼy tulad ng ikot ng buhawi.

29Ang sigaw nilaʼy parang ungol ng leon, umaatungal silang gaya ng mga batang leon. Habang umuungol ay sinasakmal nila ang kanilang biktima, kinakaladkad nila ito at wala nang makakapagligtas nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.