Isaias 51

“Makinig kayo sa akin, kayong mga nakakaalam kung ano ang tama at sumusunod sa aking kautusan! Huwag kayong matatakot sa mga panghihiya at pangungutya ng mga tao sa inyo.

Isaiah 51:7 (UKJV) Hearken unto me, all of you that know righteousness, the people in whose heart is my law; fear all of you not the reproach of men, neither be all of you afraid of their revilings.

5Malapit ko na kayong bigyan ng tagumpay. Hindi magtatagal at ililigtas ko na kayo. Ako ang mamamahala sa mga bansa. Ang mga nasa malalayong lugar ay maghihintay sa akin at maghahangad ng aking kapangyarihan.

6Tumingin kayo sa langit; pagmasdan ninyo ang lupa. Mawawala ang langit na parang usok, masisira ang lupa na parang damit, at mamamatay ang mga mamamayan nito na parang mga kulisap. Ngunit ang kaligtasan koʼy mananatili magpakailanman. Ang katarungan koʼy walang hanggan.

7“Makinig kayo sa akin, kayong mga nakakaalam kung ano ang tama at sumusunod sa aking kautusan! Huwag kayong matatakot sa mga panghihiya at pangungutya ng mga tao sa inyo.

8Sapagkat matutulad sila sa damit na nginatngat ng mga kulisap. Ngunit ang aking katuwiran ay mananatili magpakailanman. Ang kaligtasan koʼy magpapatuloy sa mga salinlahi.”

9Sige na, Panginoon, tulungan nʼyo na po kami. Gamitin nʼyo na ang inyong kapangyarihan sa pagliligtas sa amin. Tulungan nʼyo kami katulad ng ginawa nʼyo noon. Hindi baʼt kayo ang tumadtad sa dragon na si Rahab?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.