Isaias 51

Tumingin kayo sa langit; pagmasdan ninyo ang lupa. Mawawala ang langit na parang usok, masisira ang lupa na parang damit, at mamamatay ang mga mamamayan nito na parang mga kulisap. Ngunit ang kaligtasan koʼy mananatili magpakailanman. Ang katarungan koʼy walang hanggan.

Isaiah 51:6 (UKJV) Lift up your eyes to the heavens, and look upon the earth beneath: for the heavens shall vanish away like smoke, and the earth shall wax old like a garment, and they that dwell therein shall die in like manner: but my salvation shall be for ever, and my righteousness shall not be abolished.

4“Mga mamamayan ko, makinig kayo sa akin. O aking bayan, akoʼy inyong dinggin: Ibibigay ko ang aking kautusan at magsisilbi itong ilaw sa mga bansa.

5Malapit ko na kayong bigyan ng tagumpay. Hindi magtatagal at ililigtas ko na kayo. Ako ang mamamahala sa mga bansa. Ang mga nasa malalayong lugar ay maghihintay sa akin at maghahangad ng aking kapangyarihan.

6Tumingin kayo sa langit; pagmasdan ninyo ang lupa. Mawawala ang langit na parang usok, masisira ang lupa na parang damit, at mamamatay ang mga mamamayan nito na parang mga kulisap. Ngunit ang kaligtasan koʼy mananatili magpakailanman. Ang katarungan koʼy walang hanggan.

7“Makinig kayo sa akin, kayong mga nakakaalam kung ano ang tama at sumusunod sa aking kautusan! Huwag kayong matatakot sa mga panghihiya at pangungutya ng mga tao sa inyo.

8Sapagkat matutulad sila sa damit na nginatngat ng mga kulisap. Ngunit ang aking katuwiran ay mananatili magpakailanman. Ang kaligtasan koʼy magpapatuloy sa mga salinlahi.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.