Isaias 51

Malapit ko na kayong bigyan ng tagumpay. Hindi magtatagal at ililigtas ko na kayo. Ako ang mamamahala sa mga bansa. Ang mga nasa malalayong lugar ay maghihintay sa akin at maghahangad ng aking kapangyarihan.

Isaiah 51:5 (UKJV) My righteousness is near; my salvation is gone forth, and mine arms shall judge the people; the isles shall wait upon me, and on mine arm shall they trust.

3Aaliwin ko ang Jerusalem at kahahabagan ko ang pagkawasak nito. Ang mga disyerto nito ay gagawin kong parang halamanan ng Eden. Maghahari sa Jerusalem ang kagalakan, pasasalamat at pag-aawitan.

4“Mga mamamayan ko, makinig kayo sa akin. O aking bayan, akoʼy inyong dinggin: Ibibigay ko ang aking kautusan at magsisilbi itong ilaw sa mga bansa.

5Malapit ko na kayong bigyan ng tagumpay. Hindi magtatagal at ililigtas ko na kayo. Ako ang mamamahala sa mga bansa. Ang mga nasa malalayong lugar ay maghihintay sa akin at maghahangad ng aking kapangyarihan.

6Tumingin kayo sa langit; pagmasdan ninyo ang lupa. Mawawala ang langit na parang usok, masisira ang lupa na parang damit, at mamamatay ang mga mamamayan nito na parang mga kulisap. Ngunit ang kaligtasan koʼy mananatili magpakailanman. Ang katarungan koʼy walang hanggan.

7“Makinig kayo sa akin, kayong mga nakakaalam kung ano ang tama at sumusunod sa aking kautusan! Huwag kayong matatakot sa mga panghihiya at pangungutya ng mga tao sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.