Isaias 51

Aaliwin ko ang Jerusalem at kahahabagan ko ang pagkawasak nito. Ang mga disyerto nito ay gagawin kong parang halamanan ng Eden. Maghahari sa Jerusalem ang kagalakan, pasasalamat at pag-aawitan.

Isaiah 51:3 (UKJV) For the LORD shall comfort Zion: he will comfort all her waste places; and he will make her wilderness like Eden, and her desert like the garden of the LORD; joy and gladness shall be found therein, thanksgiving, and the voice of melody.

1“Makinig kayo sa akin, kayong mga nagsusumikap na maging matuwid at sumunod sa akin. Isipin ninyo ang bato kung saan kayo pinutol, ang minahang pinaghukayan sa inyo.

2Alalahanin ninyo sina Abraham na inyong ama, at si Sara na nagsilang sa inyo Noong tinawag ko si Abraham, nag-iisa siya, ngunit pinagpala ko siya at pinarami ang kanyang lahi.

3Aaliwin ko ang Jerusalem at kahahabagan ko ang pagkawasak nito. Ang mga disyerto nito ay gagawin kong parang halamanan ng Eden. Maghahari sa Jerusalem ang kagalakan, pasasalamat at pag-aawitan.

4“Mga mamamayan ko, makinig kayo sa akin. O aking bayan, akoʼy inyong dinggin: Ibibigay ko ang aking kautusan at magsisilbi itong ilaw sa mga bansa.

5Malapit ko na kayong bigyan ng tagumpay. Hindi magtatagal at ililigtas ko na kayo. Ako ang mamamahala sa mga bansa. Ang mga nasa malalayong lugar ay maghihintay sa akin at maghahangad ng aking kapangyarihan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.