Isaias 51

Alalahanin ninyo sina Abraham na inyong ama, at si Sara na nagsilang sa inyo Noong tinawag ko si Abraham, nag-iisa siya, ngunit pinagpala ko siya at pinarami ang kanyang lahi.

Isaiah 51:2 (UKJV) Look unto Abraham your father, and unto Sarah that bare you: for I called him alone, and blessed him, and increased him.

1“Makinig kayo sa akin, kayong mga nagsusumikap na maging matuwid at sumunod sa akin. Isipin ninyo ang bato kung saan kayo pinutol, ang minahang pinaghukayan sa inyo.

2Alalahanin ninyo sina Abraham na inyong ama, at si Sara na nagsilang sa inyo Noong tinawag ko si Abraham, nag-iisa siya, ngunit pinagpala ko siya at pinarami ang kanyang lahi.

3Aaliwin ko ang Jerusalem at kahahabagan ko ang pagkawasak nito. Ang mga disyerto nito ay gagawin kong parang halamanan ng Eden. Maghahari sa Jerusalem ang kagalakan, pasasalamat at pag-aawitan.

4“Mga mamamayan ko, makinig kayo sa akin. O aking bayan, akoʼy inyong dinggin: Ibibigay ko ang aking kautusan at magsisilbi itong ilaw sa mga bansa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.