Isaias 51

“Makinig kayo sa akin, kayong mga nagsusumikap na maging matuwid at sumunod sa akin. Isipin ninyo ang bato kung saan kayo pinutol, ang minahang pinaghukayan sa inyo.

Isaiah 51:1 (UKJV) Hearken to me, all of you that follow after righteousness, all of you that seek the LORD: look unto the rock whence all of you are hewn, and to the hole of the pit whence all of you are dug.

1“Makinig kayo sa akin, kayong mga nagsusumikap na maging matuwid at sumunod sa akin. Isipin ninyo ang bato kung saan kayo pinutol, ang minahang pinaghukayan sa inyo.

2Alalahanin ninyo sina Abraham na inyong ama, at si Sara na nagsilang sa inyo Noong tinawag ko si Abraham, nag-iisa siya, ngunit pinagpala ko siya at pinarami ang kanyang lahi.

3Aaliwin ko ang Jerusalem at kahahabagan ko ang pagkawasak nito. Ang mga disyerto nito ay gagawin kong parang halamanan ng Eden. Maghahari sa Jerusalem ang kagalakan, pasasalamat at pag-aawitan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.