Isaias 52

Gumising ka, O Zion, bumangon ka at magpakalakas! Isuot mo ang mararangya mong damit, O banal na lungsod ng Jerusalem, dahil ang mga hindi tuli at itinuturing mong marumi ay hindi na muling makakapasok saʼyo.

Isaiah 52:1 (UKJV) Awake, awake; put on your strength, O Zion; put on your beautiful garments, O Jerusalem, the holy city: for henceforth there shall no more come into you the uncircumcised and the unclean.

1Gumising ka, O Zion, bumangon ka at magpakalakas! Isuot mo ang mararangya mong damit, O banal na lungsod ng Jerusalem, dahil ang mga hindi tuli at itinuturing mong marumi ay hindi na muling makakapasok saʼyo.

2Huwag ka nang malungkot katulad ng taong nagluluksa na nakaupo sa lupa. Bumangon ka na at muling mamahala. At kayong mga mamamayan ng Jerusalem, palayain ninyo na ang inyong sarili mula sa pagkabihag.

3Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon: “Ipinagbili kayong walang bayad, kaya tutubusin ko kayo nang wala ring bayad.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.