Isaias 52

Huwag ka nang malungkot katulad ng taong nagluluksa na nakaupo sa lupa. Bumangon ka na at muling mamahala. At kayong mga mamamayan ng Jerusalem, palayain ninyo na ang inyong sarili mula sa pagkabihag.

Isaiah 52:2 (UKJV) Shake yourself from the dust; arise, and sit down, O Jerusalem: loose yourself from the bands of your neck, O captive daughter of Zion.

1Gumising ka, O Zion, bumangon ka at magpakalakas! Isuot mo ang mararangya mong damit, O banal na lungsod ng Jerusalem, dahil ang mga hindi tuli at itinuturing mong marumi ay hindi na muling makakapasok saʼyo.

2Huwag ka nang malungkot katulad ng taong nagluluksa na nakaupo sa lupa. Bumangon ka na at muling mamahala. At kayong mga mamamayan ng Jerusalem, palayain ninyo na ang inyong sarili mula sa pagkabihag.

3Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon: “Ipinagbili kayong walang bayad, kaya tutubusin ko kayo nang wala ring bayad.”

4Ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: “Noong unaʼy pumunta kayo sa Ehipto para manirahan; pagkatapos ay inapi kayo ng Asiria nang walang dahilan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.