Isaias 52

“Ngayon, ano na naman ang nangyari sa inyo?” tanong ng Panginoon. “Binihag kayo ng Babilonia na parang wala ring bayad. Pinamahalaan nila kayo at nilait. Maging ako ay lagi rin nilang nilalapastangan.

Isaiah 52:5 (UKJV) Now therefore, what have I here, says the LORD, that my people is taken away for nothing? they that rule over them make them to wail, says the LORD; and my name continually every day is blasphemed.

3Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon: “Ipinagbili kayong walang bayad, kaya tutubusin ko kayo nang wala ring bayad.”

4Ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: “Noong unaʼy pumunta kayo sa Ehipto para manirahan; pagkatapos ay inapi kayo ng Asiria nang walang dahilan.

5“Ngayon, ano na naman ang nangyari sa inyo?” tanong ng Panginoon. “Binihag kayo ng Babilonia na parang wala ring bayad. Pinamahalaan nila kayo at nilait. Maging ako ay lagi rin nilang nilalapastangan.

6Ngunit darating ang araw na malalaman ninyo kung sino ako, dahil ako mismo ang nagsasalita sa inyo. Oo, ako nga.”

7Napakagandang pagmasdan sa kabundukan ang mga sugong dala-dala ang magandang balita; balita na naghahayag ng kapayapaan, at nagsasaad ng kabutihan tungkol sa pagliligtas ng Diyos. Sasabihin nila sa Zion, “Naghahari na ang iyong Diyos!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.