Isaias 52

Napakagandang pagmasdan sa kabundukan ang mga sugong dala-dala ang magandang balita; balita na naghahayag ng kapayapaan, at nagsasaad ng kabutihan tungkol sa pagliligtas ng Diyos. Sasabihin nila sa Zion, “Naghahari na ang iyong Diyos!”

Isaiah 52:7 (UKJV) How beautiful upon the mountains are the feet of him that brings good tidings, that publishes peace; that brings good tidings of good, that publishes salvation; that says unto Zion, Your God reigns!

5“Ngayon, ano na naman ang nangyari sa inyo?” tanong ng Panginoon. “Binihag kayo ng Babilonia na parang wala ring bayad. Pinamahalaan nila kayo at nilait. Maging ako ay lagi rin nilang nilalapastangan.

6Ngunit darating ang araw na malalaman ninyo kung sino ako, dahil ako mismo ang nagsasalita sa inyo. Oo, ako nga.”

7Napakagandang pagmasdan sa kabundukan ang mga sugong dala-dala ang magandang balita; balita na naghahayag ng kapayapaan, at nagsasaad ng kabutihan tungkol sa pagliligtas ng Diyos. Sasabihin nila sa Zion, “Naghahari na ang iyong Diyos!”

8Sumisigaw sa tuwa ang mga tagapagbantay ng lungsod; sabay-sabay silang umaawit sa galak, dahil makikita mismo ng kanilang mga mata ang pagbabalik ng Panginoon sa Zion.

9Sama-sama kayong umawit nang may kagalakan, mga guho ng Jerusalem, sapagkat inaliw ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan. Iniligtas niya ang Jerusalem!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.