Isaias 54

Sapagkat ako na lumikha sa iyo ay para mong asawa. Panginoon ng mga Hukbo ang pangalan ko. Ako ang Banal na Diyos ng Israel, ang iyong Tagapagligtas. Tinatawag akong ‘Diyos ng buong mundo.’

Isaiah 54:5 (UKJV) For your Maker is yours husband; the LORD of hosts is his name; and your Redeemer the Holy One of Israel; The God of the whole earth shall he be called.

3Sapagkat lalawak ang iyong hangganan, sasakupin ng iyong mga lahi ang ibang mga bansa, at kanilang titirhan ang mga naiwang lungsod doon.

4“Huwag kang matakot dahil hindi ka mapapahiya. Malilimutan mo na ang kahihiyan ng iyong kabataan at hindi mo na maaalala ang pangungutya dala ng iyong pagkabalo.

5Sapagkat ako na lumikha sa iyo ay para mong asawa. Panginoon ng mga Hukbo ang pangalan ko. Ako ang Banal na Diyos ng Israel, ang iyong Tagapagligtas. Tinatawag akong ‘Diyos ng buong mundo.’

6Sapagkat katulad ng isang babaeng iniwan at masakit ang kalooban, nag-asawa noong bata pa pero hiniwalayan, tinatawag kitang muli,” sabi ng Panginoon.

7“Iniwan kitang pansamantala, ngunit dahil sa laki ng awa ko sa iyo ay muli kitang kukupkupin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.