Isaias 54

Dahil sa bugso ng galit ko sa iyo, iniwan kita nang panandalian, ngunit dahil sa walang hanggang pag-ibig ko sa iyo, kaaawaan kita,” sabi ng Panginoon na inyong Tagapagligtas.

Isaiah 54:8 (UKJV) In a little wrath I hid my face from you for a moment; but with everlasting kindness will I have mercy on you, says the LORD your Redeemer.

6Sapagkat katulad ng isang babaeng iniwan at masakit ang kalooban, nag-asawa noong bata pa pero hiniwalayan, tinatawag kitang muli,” sabi ng Panginoon.

7“Iniwan kitang pansamantala, ngunit dahil sa laki ng awa ko sa iyo ay muli kitang kukupkupin.

8Dahil sa bugso ng galit ko sa iyo, iniwan kita nang panandalian, ngunit dahil sa walang hanggang pag-ibig ko sa iyo, kaaawaan kita,” sabi ng Panginoon na inyong Tagapagligtas.

9“Para sa akin, katulad ito noong panahon ni Noe nang nangako akong hindi ko na gugunawin ang mundo. Kaya ngayon, nangangako akong hindi na ako magagalit ni magpaparusa sa inyo.

10Kahit mayanig ang mga bundok, at maglaho ang mga burol, ang pag-ibig ko sa iyoʼy hindi mayayanig, at ang kapayapaang ipinangako ko ay hindi maglalaho,” sabi ng Panginoong nagmamalasakit sa iyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.