Isaias 54

Kahit mayanig ang mga bundok, at maglaho ang mga burol, ang pag-ibig ko sa iyoʼy hindi mayayanig, at ang kapayapaang ipinangako ko ay hindi maglalaho,” sabi ng Panginoong nagmamalasakit sa iyo.

Isaiah 54:10 (UKJV) For the mountains shall depart, and the hills be removed; but my kindness shall not depart from you, neither shall the covenant of my peace be removed, says the LORD that has mercy on you.

8Dahil sa bugso ng galit ko sa iyo, iniwan kita nang panandalian, ngunit dahil sa walang hanggang pag-ibig ko sa iyo, kaaawaan kita,” sabi ng Panginoon na inyong Tagapagligtas.

9“Para sa akin, katulad ito noong panahon ni Noe nang nangako akong hindi ko na gugunawin ang mundo. Kaya ngayon, nangangako akong hindi na ako magagalit ni magpaparusa sa inyo.

10Kahit mayanig ang mga bundok, at maglaho ang mga burol, ang pag-ibig ko sa iyoʼy hindi mayayanig, at ang kapayapaang ipinangako ko ay hindi maglalaho,” sabi ng Panginoong nagmamalasakit sa iyo.

11“O Jerusalem, para kang binagyo. Nagdusa kaʼt walang umaliw at nagpalakas sa iyo. Ngunit muli kitang itatayo sa pundasyong gawa sa batong safiro, at gagamitin ko ang mga mamahaling bato para sa mga dingding ng bahay mo.

12Mga batong rubi ang gagamitin ko sa iyong mga tore, mga makikislap na bato sa iyong mga pinto, at mamahaling hiyas sa iyong mga pader.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.