Isaias 55

“Lumapit kayo, kayong lahat na nauuhaw, lumapit kayo sa tubig! Kahit wala kayong pera, lumapit kayo at kumain! Halikayo, kumuha kayo ng inumin at gatas ng walang bayad!

Isaiah 55:1 (UKJV) Ho, every one that thirsts, come all of you to the waters, and he that has no money; come all of you, buy, and eat; yea, come, buy wine and milk without money and without price.

1“Lumapit kayo, kayong lahat na nauuhaw, lumapit kayo sa tubig! Kahit wala kayong pera, lumapit kayo at kumain! Halikayo, kumuha kayo ng inumin at gatas ng walang bayad!

2Bakit ninyo ginugugol ang inyong mga salapi sa mga bagay na hindi makakain? Bakit nʼyo inuubos ang inyong suweldo sa mga bagay na hindi makakapagpabusog sa inyo? Makinig kayo sa akin at makakakain kayo ng mga masasarap na pagkain, at talagang mabubusog kayo.

3Lumapit kayo sa akin at kayoʼy makinig upang inyong matagpuan ang buhay. Gagawa ako ng walang hanggang kasunduan sa inyo. Ipapadama ko sa inyo ang pag-ibig koʼt awa na aking ipinangako kay David.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.